Hate me if you must, but I have to tell you what I really feel. I have come to care for you and I cant seem to turn my back on the feeling.
May gustong patunayan ang kapitbahay ni Lee na si Tita Tonying sa matapobreng kaanak ng mister nito. At para magawa iyon ay kailangan ng ginang ng kanyang tulong. Magpapanggap lang naman daw si Lee na nobya ng anak ni Tita Tonying na si Theo at kunwari din ay ina siya ng sanggol na iniwan sa pinto ng bahay ng pamilya.
Magpapanggap lang? Hindi lang iyon simpleng bagay para kay Lee. Dahil sa totoo lang ay hate niya si Theo na walang ginawa kundi mambola ng kababaihan. Minsan na siyang pinaasa ng mga bolerong lalaki kaya homicidal siya sa mga katulad ni Theo.
Pero dala ng matinding pangangailangan, at sa iba na ring dahilan ay napahinuhod si Lee. Isa iyong bagay na pagsisisihan pala niya dahil habang nakikilala si Theosa kabila ng paniniwalang salot ito sa kababaihanay natagpuan niya ang sarili na naaakit sa lalaki.
Epic fail! ang isinisigaw ng isipan ni Lee. Pero Go, go, girl naman ang isinususog ng kanyang puso. Sa kasamaang-palad ay mukhang mas malakas ang utos ng kanyang puso kaysa sa kanyang isipan.