“Bagay lang pala tayo. Hari ako, reyna ka.”
Ako si Shasha Bustos, isang manunulat. Dahil bumabagsak ang sales ng genre ng mga librong isinusulat ko, nagmungkahi ang boss ko na mag-try ako sa genre na patok: romance. Sa paghahanap ng model na hero para sa isusulat ko, doon nagsimula ang sarili kong kuwento.
Hindi ko sukat-akalain na si Luis pa, ang neighbor kong playboy, ang aking magiging inspirasyon. Na habang matagal ko siyang nakakasama ay parang nabubura ang masamang image niya sa akin at nagiging hero material nga yata…