You were my first love, Vera Mae.At hanggang ngayon, mahalpa rin kita.Mahal na mahal.Hindi mo ba naramdamaniyon sa mgayakap ko sa `yo? Sa mga halik ko?
Isa si Vera Mae sa walong heredera ni Don Alfonso Banal, ang bilyonaryong don ng Sagada. Pero bago siya maging isang heredera, kailangan ay masunod niya ang huling habilin nito. Pakasalan daw niya ang anak ng katiwala nito na si Brian. Si Brian na ang buong pagkakaalam niya ay labis na minahal ng kapatid niya. Si Brian na sa kasalukuyan ay may girlfriend. Si Brian na kahit kailan ay hindi niya makasundo. Kaya imposible ang gusto ng lolo niya.
Subalit hindi akalain ni Vera na alam na pala ng abuelo ang tungkol sa kanyang sekreto. Tuloy, dahil sa sekretong iyon, wala siyang choice kundi alukin si Brian ng kasal. Subalit inakusahan siya ng binata na naka-drugs. In short, hindi ito naniniwalang seryoso siya. Pero para daw maniwala ang binata, ligawan daw muna niya ito.