I wasnt sure Id survive losing you so I didnt risk it. Youre the only important person in my life, Sky.If I lose you, Id have nothing.
Nang matuklasan ni Sky ang proviso na nakasaad sa huling testamento ng lolo niyang si Don Alfonso Banal ay labis, siksik, liglig, at nag-uumapaw ang kanyang kalituhan. Kapag natupad daw niya ang proviso ay saka pa lamang niya makukuha ang kanyang mana. Ayon sa proviso, kailangan niyang iguhit ang larawan ng lalaking mahal niya at ibigay ang larawan sa lalaking iginuhit niya.
Ang problema, sino kina Bram at Pierce ang iguguhit ni Sky? Si Bram na ex-boyfriend niyang hinahabol niya at pilit kinukumbinsing makipagbalikan sa kanya? O si Pierce na matalik niyang kaibigan na minsan na niyang minahal nang higit pa sa kaibigan?
Bago pumunta sa Sagada si Sky para kilalanin ang tunay niyang pamilya ay walang pagdududang agad niyang isasagot na si Bram ang iguguhit niya dahil ito ang mahal niya. Subalit sa Sagada ay muling umusbong ang damdamin niya para kay Pierce. Damdamin na minsan na niyang kinailangang itago at burahin sa kanyang puso dahil hindi sila pareho ng nararamdaman. Sa Sagada rin niya natuklasan na lahat ng mga katangiang minahal niya kay Bram ay siya ring mga katangiang minahal niya kay Pierce. Bram was the watered-down version of Pierce. Hindi man sinasadya ay ginawa niyang panakip-butas si Bram sa damdamin niya para kay Pierce. But now, Pierce was showing her that he was in love with her, too.
Would she take the chance of loving Pierce again and risk her heart to getting hurt again? Or let the chance slip away and lose him completely? At least, she wouldnt get hurt if their relationship did not work.