Ang hirap ipaliwanag ng damdamin ko. Intense and unstoppable. Pakiramdam ko, mababaliw ako kapag hindi ko pinagbigyan ang sarili ko na makita ka, mahawakan, mayakap
Nang mamatay ang abuela ng nag-iisang pamilya ni Eira, pakiramdam niya ay nawalan siya ng lugar sa malawak na mundo. Pero sa sitwasyong iyon ay dumating ang isang abogado para ipaalam sa kanya ang isang balitang kabilang siya sa walong tagapagmana ng pinakamayamang tao sa Sagada na si Don Alfonso Banal Sr. Ipinapasundo siya ng don para makilala na rin daw niya ang sinasabi nitong bagong pamilya.
Eira was looking for a new home, a new family. Umaasa siyang matatagpuan iyon sa bagong pamilya na naghihintay sa kanya sa Sagada. Pumunta siya sa Sagada. Subalit ilang araw pa lang ang lumipas ay namatay ang don. Natagpuan ni Eira ang sarili na tinutupad ang mga huling utos ng abuelo. Kaakibat ng pagtupad sa utos ay nakilala niya si Lessandro Alex Callanta, ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal. Natuto nga siyang magmahalang mahalin ang binata. Pero mayroon na itong ibang mahal. Kailangan niyang umalis para hindi na maramdaman ang sakit. Ngunit kung iiwan niya ito, bibitawan din niya ang posibilidad ng tunay na kaligayahan.
Pipiliin ba niyang maging duwag o pipiliin niyang sumubok sa kabila ng walang katiyakan kung mapapasakanya ang pagmamahal ni Alex?