Sa Ermita, lugar na dating kinatitirikan ng naggagandahan at nagtatayugang mansivon, unang nakita ni Constantina si Victor. Inibig niya ang binata, ngunit nanatiling nakatago sa dibdib niya ang pag-ibig na iyon dahil may alitan ang kanilang mga ama.
Naisip niyang may tamang panahon para sa pag-ibig na iyon at maghihintay siya. Darating ang panahon at magigiba rin ang mataas na pader na naghihiwalay sa kanilang mga tahanan.
Ngunit nagkaroon ng digmaan. Nawasak ang lugar na kinalakhan niya. Naglaho ang kayamanan ng kanyang pamilya.
At ngayon ay kaharap niyang muli ang binata. Ngunit hindi na siya isang senorita kundi isa nang alila. Paano pa niya sasabihin ditong kailanman ay hindi naglaho ang damdamin niya para dito gayong hindi na lamang pader ang naghihiwaiay sa kanila kundi agwat ng estado nila sa buhay?