Ikaw at ako sa buong magdamag. Would that be so bad?
Kailangang pumunta ni Jenna sa Baguio. Sa kahilingan ng dating boss ng kanyang ama na si Don Mundo Alarcon, kailangan niyang mag-inspect sa log cabin ng Pamilya Alarcon sa City of Pines. Buwan ng Agosto, kasagsagan ng tag-ulan. Hindi inaasahan, ang dapat na malayong bagyo ay lumihis ang daan. Sapul ng sungit ng panahon ang Benguet Province. Ang sumunod ay isang gabing punong-puno ng magkahalong takot at saya para kay Jenna. Naroong muntik na siyang matabunan ng gumuhong lupa sa Kennon Road, kainin ng yumanig na lupa dahil sa lindol, at ma-cave-in sa loob ng log cabin dahil sa isa pa ring landslide. At higit pa roon, hindi sinasadyang naroon din ang bunsong anak na lalaki ng Pamilya Alarconsi Jake. Childhood crush ni Jenna si Jake. Lalong gumandang lalaki ang brusko. Hindi tuloy malaman ng dalaga kung ano ang higit na delikadoang bagyo na dulot ng kalikasan, o ang delubyo sa dibdib niyang dulot ni Jake.