Kapag tapos ka nang mag-explore, kapag marami ka nang nakilala, kapag nakuha mo na ang lahat ng gusto mo, mangako ka sa akin, think of me. Kahit sandali lang. If you miss me, kahit kaunti lang, then come back to me.
Minsan nang isinantabi ni Katrina ang pangarap niyang maging isang sikat na fashion designer. Iyon ay nang hilingin ng kanyang mga magulang na ibang kurso muna ang kunin niya. Nang sa wakas ay makatapos siya ng Fashion Design at abot na niya ang pangarap, may hiniling naman ang kapatid niya na hindi niya mapahindian. Napilitan si Katrina na pumunta sa Batangas. Doon ay nakilala niya si Nickolas de Vega. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ng binata, maliwanag pa sa sikat ng araw ang matinding atraksiyon nila sa isat isa. Sinubukan nilang itago iyon sa pamamagitan ng parang asot pusang pagtatalo. Ngunit sa huli, nangibabaw pa rin ang totoong damdamin nila para sa isat isa.
Everything was running smoothly. Hanggang sa isang malaking oportunidad ang dumating kay Katrina na sumubok sa pagmamahalan nila ni Nick. Ayaw niyang iwan ang binata ngunit paano naman ang kanyang pangarap?