"Hindi kita hahayaang iwan ako pagkatapos
mong iparamdam sa akin kung ano ang buhay
na kasama ka."
Buong buhay ni Jane ay naging passive siya. Plain, hindi lang ang kanyang hitsura kundi pati ang personalidad. Kaya naman kahit kailan ay hindi siya umasa na mapapalapit kay Charlie Marianoher puppy love, her first love, and her one true love.
Labis na nagulat si Jane nang isang gabi ay sumulpot si Charlie para sa dinner na dapat ang kasama niya ay ang lolo ng binata. Lalo na nang malamang fiance pala niya si Charlie alinsunod sa kagustuhan ng lolo nito. Ni wala siyang kaalam-alam! Binigyan pa sila ng kanilang mga pamilya ng dalawang buwan para kilalanin ang isa't isa bago ianunsiyo ang kanilang engagement.
Calit na galit si Charlie. But Jane realized it was her chance. Sa unang pagkakataon, gusto niyang gumawa ng paraan para makuha ang isang bagay na nais. Balak niyang gamitin ang dalawang buwan para paibigin si Charlie.
It was the gamble of her life. Because if she failed, she would surely end up with a broken heart.