When you touch me, I feel as if I want to stop the time.
Maraming hindi magagandang ginawa noon si Daisy. Gusto niyang ayusin ang kanyang buhay at patunayan sa lahat ang kanyang pagbabago. Subalit duda ang mga tao sa paligid niya na may kakayahan siyang magbago, maliban kay Rob Mitchell, ang lalaking minsan ay tumulong sa kanya.
Hindi itinago ni Rob ang interes kay Daisy.
Kapag may problema si Daisy na hirap siyang lusutan, tila hero si Rob na tumutulong sa kanya. He made her stronger and more determined to fix her life. Kaya hindi na siya nagulat nang isang araw ay mapagtantong mahal na niya ang binata.
Ngunit kung kailan akala ni Daisy na perpekto na ang takbo ng kanyang buhay, saka niya nalaman na walang balak si Rob na manatili nang permanente sa buhay niya. He was determined to leave the country for good.
Na-realize ni Daisy si Rob na yata ang kanyang karma; because she had never felt so hurt before until he told her he could not stay.