Sana ay mapanghawakan mo ang sinabi mong pagmamahal sa akin, Sandy. Someday, babalikan kita at tutuparin ko ang mga ipinangako ko sa iyo.
Muling nagbalik si David sa Pilipinas pagkaraan ng mahabang panahong pananatili sa Canada. Ang binata ang unang pag-ibig at una ring kabiguan ni Sandy.
Walang nakakaalam na eight years ago, naging magkasintahan sila. Nangako si David na si Sandy lang ang tanging mamahalin magpakailanman. Naniwala naman si Sandy. Sa kanyang batang puso, seryoso siyang nagmamahal sa binata.
Pero nabigo pa rin siya. Isang araw ay bigla na lang itong nakipagkalas sa kanya.
Ngayon, hindi alam ni Sandy kung paano pakikiharapan si David kung sakaling magkita silang muli. Gusto niya itong sumbatan at pamukhaan sa sakit ng damdaming idinulot sa kanya noon.
Ngunit paano niya iyon gagawin gayong batid ng kanyang puso kung gaano siya nanabik na muli itong makita... at mahalin?