I knew you were the one. You simply took my breath away with just a simple smile.
Mula nang makita ni Gloriette si Trent sa first day nila sa law school ay naging ultimate crush na niya ang binata. He embodies his ideal man: mas matangkad sa kanya, saksakan ng guwapo at lakas ng sex appeal, matalino, at bukod sa mabait ay perfect hero pa. Wala na siyang mahihiling pa, kasi lahat ng gusto niya ay na kay Trent na.
Hindi naman siya nabigong mapalapit kay Trent dahil naging magkaibigan sila at magkabarkada. At habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan ay lumalalim din ang damdamin niya sa binata.
Until one day, Gloriette finally admitted to herself na mahal na niya si Trent. May isa nga lang problemamay girlfriend na si Trent na mahal na mahal nito. At alam niyang kahit ano ang gawin niya ay hindi siya magkakapuwang sa puso ni Trent.