You've ruined my defenses and tactics. And it was the sweetest destruction of all.
Noon pa man ay pangarap na ni Herandia o Randi ang maging pulis. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay tumugis siya ng magnanakaw. Magnanakaw na mabango at guwapo. Pero nang makumpirmang nagkamali siya ng hinuli ay huli na. Nasa presinto na sila at sinisinghalan siya ng guwapo at mabangong magnanakaw.
Pero tila sinasadya ng pagkakataon na muli silang magkita ng magnanakaw, na noon ay nakilala na ni Randi na si Keith Perdiguerra at isang kilalang football player. At sa pagkakataong iyon ay inalok siya ni Keith ng isang arrangement para lamang daw makabawi siya sa ginawa niyang eskandalo at pananapak sa binata nang minsang magkita uli sila. Sa tingin daw kasi ng lalaki ay puwede silang ma-attract sa isat isa. Ayon pa kay Keith, hindi raw alam ni Randi kung ano ang kaiga-igayang nagagawa ng pagsasama ng pheromones at hormones.
Ang tanging nagawa ni Randi ay manlaki ang mga mata. Bukod kasi sa mahindik sa kung ano-anong mones na binanggit ni Keith, hindi rin siya makapaniwala na sa ganoong kabilis, at sa unang pagkakataon, ay maa-attract nga siya sa binata.