He was undoubtedly attracted to her, like a magnet to a metal, like bees to honey.
All her life, Avery had been anything but normal. Tanggap naman niya iyon. Kagaya ng kung paano niya tinatanggap ang lahat ng bagay na nangyayari sa kanyang buhay. Objectively and scientifically. Naniniwala kasi siya na lahat ng bagay sa mundo ay mayroong scientific justification. After all, she was a woman of science.
Hindi madali kay Avery na maunawaan ang mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensiya. Kagaya na lang ng emosyon ng mga tao. It was hard for her to sympathize with other people. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsasaya, nalulungkot, o nagagalit ang isang tao. It was all due to her condition. A condition that made her unable to understand basic human emotion.
Then she met Mackenzie Thompson. And he gave a whole new meaning to her life.