"I'm not afraid of her. I'm afraid to lose her."
Nangangailangan ng maraming pera si June, maraming-maraming pera. Kaya lahat ng legal na paraan upang magkapera ay pinapasok niya. Pero lalong naging mahirap ang buhay para sa kanya nang makilala niya si Coby, isang lalaking ubod ng yabang, ang tingin sa sarili ay ubod ng guwapototoo namang ubod ito ng guwapoat hari ng mundo.
Pero hindi tatalab kay June ang mga kayabangan ng lalaki, at ang pera nito. Hindi siya for sale na maaaring mabili.
Pero nagsimulang magbago ang pagtingin ni June kay Coby nang makilala niya ang tunay na Coby. Ang pagkatao ng lalaki na nakatagi sa mararangyang bagay na nakapaligid dito. At habang hinahayaan ni June ang sarili na mapalapit kay Coby ay unti-unti na ring nahuhulog ang kanyang puso sa mayamang lalaki.
And when he seemed to finally convince her that he was the right man for her, he realized that he could be the right man. But not for her.