He was the only one who could make her feel things no other man could. He was the only one who could make her feel like she was burning.
Camille knew Jomi all her life. Kung may matatawag siguro siyang matalik na kaibigan ay ang binata na iyon. He knew everything about her the same way she knew everything about him. But one night changed it all. Bigla-bigla ay natali sila sa isat isa. In a commitment that will bind them together for life.
For five years, Camille did everything she could to make their marriage work. Pero habang tumatagal, lalo lang niyang hindi nagugustuhan ang nangyayari sa kanya. She was starting to turn into this bitter and insecure woman and she hated it. Kaya nang magkalakas-loob, Camille told Jomi that she wanted to end their relationship. Ang buong akala niya ay sasang-ayon si Jomi pero kabaliktaran ang nangyari.
Gustong itulak palayo ni Camille si Jomi, pero hindi niya magawa. Dahil aminin man niya o hindi, sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay naroon pa rin sa kanyang puso si Jomi.
May pag-asa pa ba ang relasyon nila kung gayong napakatigas niya sa pagtanggi sa kanyang nararamdaman at si Jomi ay napakalaki ng ego na halos hindi na nito namamalayan?