Hindi makalimutan ni Katerina ang mga sinabi ni Brett sa kanya thirteen years ago. Ang mga salitang iyon ang naging daan para maging positibo ang tingin niya sa mundo. Ang lalaki at ang nagawa nito ang naging inspirasyon niya upang mabago ang kanyang kapalaran at maging successful siya sa buhay. Sinabi niya sa kanyang sarili na mahahanap niyang muli si Brett upang mapasalamatan at mabayaran ang utang-na-loob niya sa binata sa naging kabutihan nito.
And fate must be really good to Katerina. Nagkita silang muli ni Brett. Pero ibang-iba na ang Brett na nakilala niya noon sa ngayon. Nang dahil sa mapapait na karanasang napagdaanan ng binata sa paglipas ng panahon, naging napakaimposible na ng ugali nito at tila galit sa mundo. He carried upon himself this ogre faade na gusto niyang tibagin. Kaya gumawa ng paraan si Katerinainilapit niya ang sarili kay Brett upang maibalik sa dati ang binata. Dahil sa pagkakataong ito, siya naman ang sasagip sa lalaking agad na natutuhan niyang mahalin.