“I’ve been acting like a fool looking for true love everywhere when all this time, it was just right next to me. You were always right next to me.”
On her quest to find true love, iba’t ibang relasyon ang pinasok ni Choleng. But each time, she would end up getting dumped. At sa mga ganoong pagkakataon, isang tao lang ang lagi niyang nakakaramay, si Macqui—her best friend.
Pero isang araw, muntik nang mawala sa katinuan si Choleng nang biglang nag-iba ang pagtingin niya kay Macqui. She ended up confessing her feelings for him. At lalo pa yata siyang naloka nang paggising niya kinabukasan, magkatabi na sila ng binata sa kama.
Macqui offered to take responsibility, but she refused. Pero pagkatapos ng isang buwan, Macqui brought up the offer again when they found out that she was pregnant. Laking tuwa rin niya nang maramdaman na may katugon ang pagmamahal nito sa kanya. Nasabi rin ni Choleng sa sariling hindi niya ipagpapalit ang pagmamahal at pag-aalaga ni Macqui sa kanya. Choleng then realized that Macqui was her true love.
Ngunit mukhang hindi sila para sa isa’t isa ni Macqui dahil bukod sa nalaman ni Choleng na may ibang mahal ang binata ay nalaman din niyang hindi pala niya dinadala ang dahilan kung bakit sila magkasama ni Macqui sa iisang bubong.