“Ang gusto ko, bumuo ng pamilya kasama ka. Okay ba iyon sa `yo?”
Kung sino-sinong lalaki ang inirereto kay Julie Anne ng kanyang mga magulang kaya siya nagpasyang maghanap ng ipapakilalang pretend boyfriend. At isang lalaki lang ang naisip niyang papasa para sa naturang role—si Timothy, ang guwapo pero ubod ng supladong kapitbahay niya.
Inasahan na niyang hindi ito papayag pero laking gulat at pasasalamat ni Julie Anne nang pumayag si Timothy. Nang malaman ng kanyang mga magulang na “nobyo” na niya ang lalaki ay hindi na siya kinulit ng mga ito. Pero parang gusto niyang manghinayang dahil kay guwapo pala ni Armando—ang sana’y huling lalaking irereto sa kanya. Tila nahalata iyon ni Timothy kaya ginawa nito ang lahat para mawala ang nadarama niyang panghihinayang. Naging extra sweet and thoughtful ito sa kanya.
And she didn’t expect she would fall in love with him.
Kaya lamang ay may personal issues si Timothy na ayaw nitong pinakikialaman ni Julie Anne.
Nauwi sila sa pagtatalo.
Mukhang hindi pa man umaamin ang dalaga na in love na siya kay Timothy ay matatapos na ang ugnayan nila…