Na kay Carla na ang lahatmapagmahal na mga magulang at mariwasang pamumuhaymaliban kay Philip, ang lalaking matagal nang itinatangi ng kanyang puso. Kapatid lang kasi ang tingin nito sa kanya.
Naging komplikado ang lahat nang ligawan nito ang half sister niyang si Bea. Kinamuhian niya si Bea dahil pakiramdam niya ay inagaw nito ang pagtingin ng lalaking mahal niya. Ngunit nalaman niyang ampon lang pala siya ng mga kinikilala niyang mga magulang. Nagpasya siyang lumayo.
Ilang taon siyang namuhay nang mag-isa hanggang sa magkita uli sila ni Philip. Wala siyang balak ibalik ang dating samahan nila pero ayaw siyang tantanan nito. Tuloy ay nabuhay uli ang dating pagtingin niya rito na alam niyang hindi naman talaga nawala.
Nang may mangyari sa kanila, ang akala niya ay masusuklian na rin sa wakas ang damdamin niya para dito. Ngunit nagkamali siya