Bago mamatay ang lola ni Donna ay ipinakabilin-bilin nito sa kanya ang isang sulat. Sa sandaling bawian daw ito ng buhay ay pagsikapan niyang ihatid ang sulat sa kung kanino nakapangalan iyon.
Ganoon na nga ang ginawa niya at iyon ang naging daan para magbago nang husto ang buhay niya. Kasama sa magandang ibinunga niyon ay ang pagkakakilala nila ni Rad. Ang problema, masama ang tingin nito sa kanya; tila nagdududa sa totoong pagkatao niya. Pero hindi naging hadlang iyon upang umusbong ang isang damdamin sa kanyang puso. Nawari na lang niya isang araw na mahal na niya ito.
I love you, sabi niya rito minsan.
Sorry, pero ako hindi kita mahal. Iyon ang isinagot nito.
Dapat na ba siyang sumuko?