Catalina used to have it allshe was popular, rich, pretty, and in love. Ngunit hindi raw lahat ng magagandang bagay ay nagtatagal. Napatunayan niyang totoo iyon sapagkat nawala sa kanya ang minamahal niya at bumagsak din nang tuluyan ang kabuhayan niya. At nang literal siyang halos wala nang makain ay nakilala niya si Dimas. He was a world-famous pianist, sent from above.
Ito ang tumulong sa kanya. He was larger-than-life, he was gorgeous, and he was everything she wanted if only he smiled more often.
Ngunit ano nga ba nag masama kung susubukan niyang pangitiin ito? Maliit na bagay lamang iyon kompara sa naitulong nito sa kaya. At iniisip niyang kung sakaling mapangiti niya ito, baka sakaling mapansin din nitong siya ay isang babaeng pasado naman na maging nobya nito