“I’m in love with you. Can you tell me how to make you fall for me, too?”
Isang simpleng four-eyed ugly duckling si Rosabianca nang ma-in love sa ‘prinsipe’ ng unibersidad nila—si Theodore Rushton. But just when her naïve and pure heart believed that fairy tales did exist in real life, saka niya nalaman na isa lang pagkukunwari ang lahat. Niloko siya ng lalaking akala niya ay magsisilbing tagapagtanggol niya. And just like that, her own fairy tale with Theo ended.
Pagkalipas ng ilang taon ay ibang Rosabianca na siya. Bea was everything Rosabianca was not. Kaya naman nang muling magkrus ang mga landas nila ni Theo ay todo ang pagtanggi ni Bea na siya si Rosabianca. Ngunit naging makulit si Theo. Hindi siya tinantanan hanggang sa mapaamin na siya ang Rosabianca na minahal at sinaktan nito.
Hindi nga siguro talaga mapagkakaila ang ibinubulong ng puso dahil muli na namang binuhay ng binata ang pagmamahal sa puso ni Rosabianca. Ngunit paano niya tutugunan ang pagmamahal na ibinibigay ni Theo kung may Rick na sa buhay niya? Si Rick na nagtiyagang pulutin at buuin ang puso niya nang saktan siya noon ni Theo…