Sa lahat ng babaero, si Bob lang yata ang natotorpe sa babae. Pero sa iisang babae lang naman—kay Trixie, ang Miss Goody Two-Shoes na dream girl niya na alam niyang hinding-hindi bagay sa kanya.
Pero noong nabibigyan na ng pagkakataon si Bob na mapalapit kay Trixie, parang nakakarma naman siya sa lahat ng kanyang kalokohan. Ang bigat-bigat ng dugo ng dalaga sa kanya. Ah, siguro ay mas mabuting tanggapin na lang niya na sadyang pangarap lang si Trixie para sa kanya...
Caption:
Hindi bulag ang pag-ibig kundi nakakabulag lang. Love is not blind, but the lovers are.