“Mahal na kita. Hindi ko inasahan na mangyayari ito at lalong hindi ko pinlano, pero kusa na lang tumubo at umusbong. Ngayon, kontrahin ko man ay hindi na maalis-alis ito sa puso ko.”
Bata pa si Gem ay ipinangako na sa kanya ng Lolo Beto niya na sa kanya ipamamana nito ang malaking manggahan nito. Sa isang kondisyon: Dapat ay pakasalan niya si Edgen, ang makulit at buwisit na apo ng matalik na kaibigan nito.
Natural na todo ang tanggi niya. Pero dalawa lang naman ang kanyang pagpipilian—ang pakasalan si Edgen o hayaan niyang mapunta sa tiyahin niyang mahilig magbenta ng ari-arian ang manggahan.
She chose the lesser evil. May nahanap din naman kasi siyang loophole sa kondisyon na ibinigay ni Lolo Beto. Pumayag naman si Edgen sa proposal niya pagkatapos nitong humingi ng kapalit.
They thought everything would be fine and dandy. Ang hindi inasahan ni Gem ay ang pagkahulog ng loob niya rito. Inakala pa nga niya na sa pagkatao nito ay nakahanap na siya ng wagas na pagmamahal. Pero nagkamali siya at isinampal sa mukha niya ang masaklap na katotohanan.