Walang pamilya, walang tirahan, walang nagmamahal. Iyon si Diosa, isang hampaslupa. Isang gabi, pagkatapos siyang bugbugin ng mga umaway sa kanya at iwan ng mga ito na nakasubsob sa putik, luhaan, nagmamakaawa sa langit, ay isang “anghel” ang lumapit sa kanya—si Macoy, ang kaibigan at tagapagtanggol niya noong nasa bahay-ampunan pa sila.
Nabuhayan siya ng pag-asa. Sa wakas ay may tutulong sa kanya. Tinitigan siya nito na waring inaalala kung sino siya. Pero pagkatapos siyang itayo nito ay basta na lang siya iniwan nito. Diayata’t isnabero at matigas na ang puso ng dating tagapagligtas niya?
Iyon ang mas ipinaghimagsik ng loob niya at halos ikalupasya niya.