Ang buhay ko, hindi na mabubuo kung wala ka...
Nineteen pa lang si Sharon ay iisa na ang kahulugan ng "pag-ibig" para sa kanyaang pangalang Orlando Manuel Andie Del Carlo. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ng lalaki ay hindi na niya masupil ang kanyang puso.
Ngunit magkaiba ang mundo nila.
Napakataas ni Andie, parang isang bituin sa langit na ang magagawa lang ni Sharon ay tanawin, hindi niya kailanman maaabot. Si Sharon ay isang simpleng babae lang na umiikot ang buhay sa musika.
Panganay na apo si Andie ng mabait na don na pinaglilingkuran ng tiyuhin ni Sharon. Si Sharon naman ay paboritong piyanista ng matanda.
Na kay Andie na ang lahat. Siya ay nag-uumpisa pa lang abutin ang mga pangarap.
Sa marami nilang kaibahan, may isang lugar na lagi silang
nagtatagpo tuwing madaling-arawsa dalampasigan ng Del Carlo Resort kung saan sabay nilang pinakikiramdaman ang Dawn Breeze. Sa lugar na iyon ay saglit na naaabot ni Sharon ang isang bituin. Sa lugar na iyon ay isang ordinaryong lalaki lang ang nakakasama niya. Sa lugar na iyon ay nawawala ang agwat sa pagitan nila.
Hindi naisip ni Sharon na isang pangyayari ang maglalapit sa kanya nang tuluyan kay Andie. At ang isang pangyayaring iyon ang babago sa buong buhay niya