Ang kaligayahan daw ay tulad ng hangin, hindi natin nakikita pero alam nating naririyan lang. All we have to do is breathe it in. You are my happiness, Christmas. I wanna breathe you in. Will you let me?
Palibhasa ay ipinanganak ng araw ng Pasko, likas na kay Christmas, aka Cee-cee, ang pagiging matulungin sa kapwa. She was sunny, cheerful and merry. Wala nang lalambot pa sa kanyang puso. Hindi siya marunong magalit at minsan sa isang taon lang kung sumimangot. She was forever an optimist and a living and breathing good Samaritan. Sa katunayan, isa siyang volunteer sa isang foundation na kumakalinga sa mga batang palaboy-laboy sa kalsada.
But one December morning, hindi batang palaboy kundi isang lalaking hindi na makahinga sa sobrang atake ng hika at may gabundok na galit sa mundo ang sinagip ni Cee-ceesi Luigi Arellano. He was grouchy, grumpy and testy. Katumbas ni Luigi ang sampung old maids na may PMS. Aktibong miyembro ito ng Samahan ng mga Bato ang Puso, record holder ng kasungitan, at nuknukan ng kasupladuhan.
Akala ni Cee-cee, iyon lang ang tulong na maibibigay niya kay Luigi. Pero hindi pala. Kailangan niya itong turuang magmahal uli.
Would love blossom between Miss Big Heart and Mr. Truckload Of Emotional Baggage?