“Naranasan ko nang wala ka sa buhay ko at ang hirap, sobra. Ang hirap na minu-minuto ay nami-miss kita.”
Ipinagpalit si Nikka ng boyfriend niya sa isang babaeng matandang mayaman na madaling mamatay. Sa sobrang galit niya, naibato niya ang figurine na regalo sana niya rito para sa kanilang anibersaryo. Sa malas, napalakas ang kanyang pagbato at tumama iyon sa guwapong mukha ni Icko, isang taga-Maynila na magbabakasyon sa kanilang bayan.
Bilang pakonsuwelo sa ginawa niyang perhuwisyo rito, inalok ito ng lolo at lola niya na doon na lang ito sa bahay nila magbakasyon.
Naging kumportable naman si Icko habang nagbabakasyon sa kanila. Sa katunayan, nasobrahan iyon dahil pati personal na buhay niya ay pinakialaman na nito. Pangingitiin daw uli siya nito at tutulungan siyang kalimutan ang manlolokong ex niya.
Kahit naiinis si Nikka sa panghihimasok nito, hindi niya maikakaila sa sarili na nagtatagumpay si Icko sa balak nito. Paano ay kinikilig siya tuwing nag-e-effort itong patawanin siya at hindi nakokompleto ang araw niya kapag hindi nasisilayan ang guwapong mukha nito.
Abnormal ba ang puso niya na na-in love agad rito gayong kagagaling lang niya mula sa isang heartbreak?