Parang makahiyang tumiklop ang mahiyaing si Alily Mendoza nang una niyang makaharap ang guwapong architect na si Warlito Villegas. Pero sa pagdaan ng mga araw, nakagaanan niya ito ng loob. Iniligtas pa siya nito mula sa mga gahaman at bayolenteng kamag-anak niya. Dahil sa binata, nagkaroon siya ng kaunting kumpiyansa sa sarili, hanggang sa mahulog nang tuluyan ang loob niya rito.
Pero kung kailan ramdam na niyang may damdamin din ito para sa kanya, saka niya nalamang hindi na pala ito malayang umibig sa ibang babae