You keep looking for Mr. Right but always end up with Mr. Right now. Ayokong maging kahit alin sa dalawa, because I am definitely your Mr. Forever.
Kanza has never been scared to fall in love. Actually she does fall most of the time. Tinawag tuloy siyang female version ng lalaking pabling. Dahil siguro sa reputasyong iyon kaya nang inakala ng best friend-turned-boyfriend niyang si Adam na niloko niya ito ay hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng binata na magpaliwanag.
Now Adam needs help. Kailangan ng binata ng babaeng papayag maging girlfriend at soon-to-be wife sa loob ng limang buwan. Believing that shes the perfect girl for the job, Kanza applies for the position. Sa tingin niya ay panahon na upang ayusin ang nasira nilang pagkakaibigan. But while they are pretending as lovers, she finds herself falling for his charms.
Again. If friends can be lovers and lovers can be friends, could ex-best friends and ex-lovers become lovers again?