"Girls came into and went out of my life before kaya wala sa isip ko ang sinasabi mong falling in love. Pero nang makilala kita, naisip ko, it was possible for me to fall in love after all. Only with the right woman.
Noong una ay gusto lang ni Ioana na makakuha ng mga ideya kung paano magpaunlad ng resort kaya lumapit siya kay Tazio Addis ng Addis Springs Resort. Pero nakikipaglapit din lang si Tazio sa kanya upang bantayan siya at malaman kung magiging isang threat sa Addis Springs ang resort na minana niya mula sa yumaong lolot lola.
Nang imbitahan si Ioana ng lalaki sa isang convention para sa mga resort owner na tulad nila, doon tuluyang nahulog ang loob niya sa binata. Pero doon din nagwakas ang ilusyon na puwede siyang sumubok na makipagrelasyon kay Tazio.
Dahil hindi pa man, nag-umpisa nang magsulputan ang mga kontrabida sa hilaw pa ngang love story nila