You fall in love the way you fall asleep: slowly, and then all at once.
Bukod sa pagiging flower shop owner, may isa pang negosyo si Phillyang paggawa ng gayuma.
Sa negosyong iyon nakilala ni Philly ang guwapong si Horton Addis. Hiningi ng lalaki ang serbisyo niya para pabalikin ang ex-girlfriend nito. Ayaw sanang tulungan ni Philly si Horton ngunit napahinuhod siya ng lalaki. Their mission was a success. Bumalik ang girlfriend ni Horton. Pero talo si Philly. Na-in love siya kay Horton sa dalawang linggong isinakatuparan nila ang misyon.
She wished she was his ex-girlfriend.