“I’m happy to be here with you. Kung malabo pa rin `yon para sa `yo, hindi ako magsasawang ulit-uliting sabihin sa `yo hanggang sa maintindihan mo.”
Nang maaksidentesi Aniya ay iniligtas siya ni Axel, ang lalaking kamukhang-kamukha ni Kuya Ace, ang namayapang kapatid ni Ace-sin. Dahil sa aksidente ay nagkaroon ng post-traumatic disorder si Aniya at ang tanging makakatulong sa kanya para gumaling ay si Axel.
Sa mga palihim nilang pagkikita ay sangkaterba ring kasinungalingan ang sinasabi ni Aniya kay Ace-sin bilang palusot. Unti-unting napabayaan ni Aniya ang relasyon nila ng binata, hanggang sa tuluyang masira ang maganda nilang samahan.
Hindi gustong saktan ni Aniya si Ace-sin. Pero paano pa niya magagawang ipaliwanag dito ang lahat kung may isyu rin sa kanila ni Axel? Ang tanging hangad na lamang niya ay gumaling at tuluyang makatakas mula sa bangungot ng nakaraan.