“Hindi mo kailangang magbago para sa sa `kin, Curtis. Na-realize ko na hindi ko naman kailangan ng perfect boyfriend. Na walang standard, standard pagdating sa pag-ibig. Ang mas importante ay `yong sigurado akong mahal ako at mahal ko rin.”
Hindi inasahan ni Katrina na tutulungan siya ni Curtis—member ng famous rode band, ubod ng guwapo, talented, at sobrang sikat—upang itaboy ang isang makulit na manliligaw. Nagpanggap itong boyfriend niya, ngunit may hinihingi itong kapalit.
And then they were both involved in a kissing scandal. Ipinagkalat pa ni Curtis na girlfriend siya nito. Nagalit tuloy sa kanya ang legion of fans nito. And worst, they were calling her names! She was mad, of course, dahil wala naman iyong katotohanan. Ngunit nakiusap si Curtis na magpanggap siya bilang girlfriend nito. Maging ito pala ay may iniiwasang makulit na admirer.
Kaya pumayag na rin siya.
Oh, well, nagbabayad lang naman siya ng utang-na-loob. Iyon lang at wala nang ibang dahilan.
Ngunit bakit gano’n na lang ang epekto ng mga ngiti, titig, at pasimpleng halik sa kanya ni Curtis? Bakit parang kinikilig siya?
Posible kayang nahuhulog na ang loob niya sa lalaking mula pagkabata ay kinaiinisan na niya?