“I’m gonna marry you someday. I just know it.”
Natural lamang na makatanggap ng mga bulaklak, tsokolate, at love letters mula sa isang admirer. Ngunit dahil isa siyang lalaki at halos araw-araw iyong nangyayari ay ibang usapan na iyon. Idagdag pang tila laging may nakasunod sa kanya at nasusundan nito ang mga galaw niya kaya labis na siyang nababahala.
King had to agree with his friends. Hindi yata’t may stalker siya! Halos isumpa na niya ang kung sino mang stalker na iyon.
Pero nang hindi sinasadya ay nahuli niya ang naturang “stalker” ay nagulat siya; nalusaw ang pagkainis niya. Her name was Mao, ang ubod ng gandang dalaga na mas nararapat alayan ng mga bulaklak. Pero na-disappoint siya nang nagpakilalang manliligaw diumano niya ito. Diyata’t may-pagkabaliw ang magandang babae!
Sinubukan niyang sungitan si Mao para layuan siya nito, pero determinado itong mapalapit sa kanya. Sa huli, napansin na lang ni King na nahuhulog na siya kay Mao.
Ngunit ganoon na lamang ang galit at sakit na naramdaman niya nang malaman na pinaglalaruan lang siya ni Mao.