Tinanggap ni Aprilyn ang bagong hamon sa kanyang propesyon kahit nangangahulugan iyon ng pagtira niya sa isang liblib na lugar. Pero pagtapak pa lamang niya sa San Bartolome ay sunud-sunod na kamalasan na ang naranasan niya. Nangyari ang mga iyon noong mapalapit sa kanya si Renz Apollo Cuevas, ang guwapong cardiologist na habulin ng mga kababaihan sa lugar na iyon.
Naturalmenteng magalit siya rito, pero sa kabila ng animosidad na nararamdaman niya para dito ay lihim na kinikilig siya at tila lumulundag ang puso niya sa tuwa sa espesyal na atensiyong ibinibigay nito sa kanya. She was too vulnerable she couldnt resist his charm. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpasakop dito Kahit nakikita niya na maraming nakaambang problema sa relasyon nila