“Inaasar lang naman kita noon para mapansin mo ako… But now that I also have your heart, mamahalin na lang kita. Wala nang asaran pa.”
Most embarassing moment. Naranasan iyon ni Pauleen noong siya ay sampung taong gulang pa lamang. Ang salarin, si Amiel Zarren Rosales. Hanggang sa lumaki na sila ay si Amiel ang nagsilbing “spices” sa buhay niya. Hayagan pang sinasabing balak diumano nitong gawing bayaw ang Kuya Brian niya.
Pero totoo nga yata ang himala. Dahil isang araw, Amiel declared a cease-fire and nominated himself to be her friend. And of course, she seconded the motion. Noon naman umeksena ang nagbabalik niyang pag-ibig para kay Amiel. Pero sa ngalan ni Napoles, hindi siya aamin. Peksman!
Ngayon, isa nang sikat na artista si Amiel. Pero ang damuho, mukhang kinalimutan na yata ang balak noon na gawin siyang kapuso! Dahil mukhang nahuhumaling na ang binata kay Delilah, ang babaeng mababa ang lipad mula sa teleseryeng pinagbibidahan nito.
Ang tanong, paano na siya? Puputulan na ba niya ng pakpak si Magdalena?