“You said that we are not right for each other, I was really hurt… Because the way I see it… we are not right for anyone else.”
Love at first sight.
Iyon ang naramdaman ng dalagitang si Sydney sa unang pagtatama ng mga mata nila ni Blake, ang oh-so-handsome best friend ng kanyang kuya. Her feelings toward him grew deeper when he became her tutor in Trigonometry, ang subject na dapat niyang ipasa upang maka-graduate ng high school.
At kahit sabihin pa ng kanyang pamilya na simpleng atraksiyon lamang ang nararamdaman niya para sa binata, she was sure about her own feelings. She was in love with him.
Wala siyang pakialam kung hindi siya sineseryoso ng mga taong nakakaalam sa feelings niya. Okay lang iyon. Pero nang marinig niya mismo ang pagdududa ni Blake ay nasaktan siya nang sobra.
Matuling lumipas ang panahon at nagawang kalimutan ni Sydney ang nakaraan. Ngunit sa muling pagbabalik ni Blake sa kanyang buhay, muli ring nagbalik ang nararamdaman niya para sa binata. This time sigurado siyang magiging sila na. Pero sa kasamaang-palad, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ni Blake sa damdamin niya.