“Kahit ilang beses mo akong itaboy, para akong bola, babalik at babalik pa rin ako sa `yo.”
Parang isang anghel na dumating si Abigail sa buhay ni Nathan nang mga panahong namomroblema si Nathan sa ex-girlfriends niyang walang ibang ginawa kundi habulin siya. Hindi lang basta anghel ang naging role ni Abigail sa buhay niya kundi bagong girlfriend na rin. Si Abigail ang nagresolba ng problema ni Nathan.
Habang nagpapanggap ay nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Naramdaman ni Nathan na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay Abigail at sa kasamaang-palad, kahit damang-dama ng binata na may pagtingin sa kanya ang dalaga ay tinanggihan pa rin nito ang kanyang pag-ibig.
Hanggang sa nalaman na lang ni Nathan na may malubhang sakit si Abigail at ayaw nitong sumugal sa isang relasyon na alam nitong hindi naman magtatagal. Pero matapang si Nathan at sa pagkakataong iyon, kahit oras at panahon ang kalaban niya, hindi siya bibitiw kay Abigail. Mamahalin niya ang dalaga hanggang sa huling hininga nito