“What about me? Do I deserve a life without you?”
Nagpatiwakal ang ex-girlfriend ni Fernando. Pero nang mabasa ni Maty ang suicide note, sigurado siya na may foul-play. Naglunsad siya ng imbestigasyon pero sa halip na malutas ang kaso, nadagdagan pa.
Nawawala ang anak ng dating schoolmate ni Fernando. Bilang pregnant with their first child, hindi rin matiis ni Maty na hindi imbestigahan kung buhay pa o patay na ang nawawalang bata.
At parang nananadya ang tadhana, gustong subukin ang galing ni Maty. Pati sa BFF niyang si Annette, may nagtangkang pumatay.
Alin ang uunahin niya? Murder, kidnapping or attempted murder?
When it rains, it pours.
At ayaw makisama ng guwapo niyang esposo.