He used to be contented in his life. But she came and made him realize that something big is missing. Love. Matagal na pala niya itong hinahanap.
Para kay Drey ay isang malaking pagkakamali ang makilala si Gavin—ang lalaking nag-propose sa kanya ng one-night stand. Sumama siya rito dala ng kalungkutan sa pang-iiwan sa kanya ng ex-boyfriend niya, ngunit sa huli ay nagbago ang kanyang isip at tinakasan niya ito.
Akala niya ay hindi na niya ito muling makikita. Ngunit muli itong sumulpot at ginulo ang nananahimik niyang buhay. Ang gusto lang naman niya ay maka-move on na sa matinding heartbreak na dulot ng ex-boyfriend niya at muling makapagsimula, subalit tila pilit siyang ibinabalik ni Gavin sa nag-iisang bagay na gusto niyang takasan… ang pag-ibig. But then Gavin was starting to make his way into her life and into her lonely heart…