Christian! O Aking Christian! Pagdating ng panahon ay
magiging tayo rin. Aasa ako hanggang sa huli,
hanggang sa Hindi Kita Malilimutan na ang theme song ko.
Ako si ChandasciaChaka ang tawag sa akin ng lahat. Sa Sitio
Malabo, kilala ako bilang ang babaeng sexy, at ang babaeng
masarap ang bibingka. Pantasya ako ng lahat ng lalaki sa Sitio
ang alindog ko lang, hindi ang mukha ko dahil hipon ako, ang
sakit aminin pero totoo. Aray! Pero hipon man, may suwerte rin. Obsessed lang naman sa akin ang pinakamayaman, pinaka-macho at pinakaguwapong
unico hijo ng pinakamakapangyarihang tao sa Sitio Malabosi
Christian Green. Ay mali, obsessed pala sa bibingka ko, hindi sa
akin. Aray uli. Hindi maka-move on si Christian sa pagkahumaling sa
bibingka ko. Sukat bang dinaan na sa santong paspasan
kinidnap niya ako para sa isang halik. Oo, at torrid kiss pa! Fairy
tale na yata ito, syet! Ngunit ang fairy tale ko ay nagka-twist. Ginising ng halik ni Christian ang isang malakas na puwersang nagdala sa amin
sa ibang mundoang Amora Desir, ang mahiwagang mundo ng
Pag-ibig at Pagnanasa. Sa mundong iyon ay lalaban kami nang
magkasama: Para sa buhay namin, at para sa virginity ko!
Sa mundong iyon din ay lalaya mula sa mga puso namin
ang isang natatanging pag-ibig. Oo, may totoo sa kuwentong
itoang pag-ibig sa akin ni Christian Green! Haba ng hair ko.
Ako na!