Im just an ordinary man who
is truly, madly, deeply in love
with this beautiful lady
in front of me. She held my
whole life and I dont even care.
Hindi ko inakalang sa loob lang ng isang linggo, mai-in love ako kay Louie. Sa lalaking iba ang tingin sa akin. Na ibang babae ang nakikita tuwing kaharap ako. Hindi ko magawang pigilan ang puso ko kaya kahit masakit, hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya.
Pero mula nang maghiwalay kami, pinilit kong mag-move on. Masakit, mahirap, nakakapayat, nakakatulala, pero sinubukan kong mag-move on.
Pero sadyang mapagbiro yata ang tadhana. May something yata ang isang linggo sa amin ni Louie. Isang linggo kasi pagkatapos naming magpasyang maghiwalay, nagkita uli kami. Akosi Rhyme at hindi na si Kirstenang nakikita niya. At sa pagkakataong iyon, gagawin ko na ang lahat mabaling lang sa akin nang buo ang atensiyon niya.