"Don't try to be brave when you feel weak, babe. The strongest person in the world is the one who accepts pains and aches. Let your tears fall..."
Kailangan ni Alexandrei de Vera ng anak para makuha ang manang iniwan ng kanyang ama at ang pinakamataas na posisyon sa kanilang kompanya. Mayroon lamang siyang labingwalong buwan para magawa iyon.
Ngunit ayaw niyang magpatali sa isang kasal at mag-asawa. Sa pagmamatigas niya, may naisip na kabaliwan ang kanyang ate para masolusyunan ang problema niya. Maghanap daw siya ng virgin baby maker na papayag na mabigyan siya ng anak. At dahil desperado na ang binata, nagpadala siya sa kabaliwan ng nakatatandang kapatid.
Ang hindi alam ni Alexandrei, ang babaeng inalok niyang maging baby maker ay ang babaeng magpapabago sa ikot ng kanyang mundo.