You swept me off my feet so you have to face the consequences. Panagutan mo ang pagnakaw mo sa puso ko.
Sa muling pagbabalik ni Fiona sa buhay ni King ay nagpasya si Elle na lumayo na lamang. Ibabalik na niya si King kay Fiona na tunay nitong minamahal. Nagpasya siyang lumayo para makalimot sa kanyang pagkabigo.
Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang pinagtagpo. Ang akala ni Elle ay nawala na ang pagmamahal niya para kay King ngunit nang muli niya itong makita ay doon niya napatunayang mahal pa rin niya ito. Lalo pang lumago ang nararamdaman ni Elle kay King dahil tila pinaglalapit sila ng sitwasyon.
Matanggap kaya siya ni King kapag nalaman nito ang mga bagay na pinakatago-tago niya rito mula nang umalis siya? At magkaroon na kaya sila ng happy ending kung may isang Fiona pa rin sa buhay nito?