This is going to be one hell of a trip Literally.
Isang masayang bakasyon ang pinlano ng magkakaibigang sina Jamilla, Mikee, Cliff, Wesley, at Drew para sa kanilang taunang tradisyong magsama-sama tuwing sembreak. Ngunit ang road trip ng barkada ay nauwi sa isang bangungot nang masangkot sila sa isang aksidente sa gitna ng kawalan.
Sugatan, pagod, takot, at desperadong makahingi ng tulong, napilitang makisilong ang magkakaibigan sa isang tagong bayang mistulang nilimot ng panahon. Ang hindi nila alam, imbes na maging maayos ang kanilang kalagayan ay may mas masahol pa palang misteryo ang naghihintay sa kanila sa bayan ng Vertigo