Kung mawawala ka sa paningin ko, hindi ako magiging masaya. Mami-miss ko ang mukha mo, ang pagluluto mo, at ang iba pang mga bagay na nagustuhan ko sa `yo, at ang mga simpleng ngiti mo."
Sa balat ng lupa, si Cassandra na yata ang pinakamartir sa lahat ng martir. Minahal at tinanggap niya si Ace kahit sobra-sobrang pambabale-wala na ang ginagawa nito sa kanya. Ginawa niya ang lahat para lang mahalin siya nito bilang isang babae at bilang asawakahit alam niyang hindi pa rin makalimutan ni Ace ang babaeng tunay nitong minamahal.
Nalaman ng mga magulang ni Cassandra ang mga pananakit na nagawa sa kanya ni Ace. Kaya naisip ng mga ito na ilayo si Cassandra. Noon na-realize ni Ace kung gaano kahalaga sa buhay nito ang babaeng paulit-ulit nitong binabale-wala.
At lalo pang na-guilty si Ace ng malaman ang tunay na kalagayan ni Cassandra.