Love doesn't need to be heard from the lips, neither spoken from the mouth, to be proven true. Minsan, kahit nga ang galaw ng katawan ay hindi rin kinakailangan.
Lease Supervisor si Rows sa White Mountain Condominium.
Isang araw ay bumisita siya roon para singilin ng renta ang nakatira sa
isa sa mga unit. It turned out mali siya ng nasingil.
Mukhang naabala rin ni Rows ang pagtulog ng lalaki dahil
pinagsungitan at pinalayas siya nito.
Pero nang minsang makita niya ang lalaki sa Midnight Club at
nawalan ng malay ay kinailangan itong tulungan ni Rows.
Noon niya nalamang Kei Lofranco ang buong pangalan
ng lalaki at isa itong geography professor.
Nagdaan ang mga araw at inakala ni Rows na magbabalik sa
ayos ang lahat sa kanyang buhay. Pero hindi. Muli siyang inutusan ng
kanyang boss na i-meet si Ivo San Gabriel na bigla
namang nag-propose sa kanya.
She turned him down. Noon biglang sumulpot si Kei sa opisina at iniligtas si Rows mula kay Ivo. Mas nagulo pa ang isip ni Rows nang ipaliwanag ni Ivo na si Kei ang
makakatuluyan ng dalaga dahil lifemates sila ni Kei.
Pero matanggap kaya ni Rows si Kei kapag nalaman ng dalaga ang
lihim ng pagkatao nito? Paniniwalaan ba niyang hindi siya magagawang saktan ni Kei?