Si Nathalie Sophie Clarkson ang tinaguriang Warshock Queen ng Adamson National High School. Walang nagkakamaling kumanti sa kanya. Pero dahil sa mga kabulastugan na ginawa niya ay pinatalsik siya sa eskuwelahan nila. Napilitan tuloy siyang mag-transfer sa Sandford Academy.
Ang Sanford Academy ay eskuwelahan para sa mayayaman. Malinis, maganda at tahimikmga katangian na wala sa Adamson National High School.
Pero ang eskuwelahan pala na iyon ay punong-punong misteryo. Maraming estudyante pa ang nagsasabi na kamukha niya si Queen,ang namatay na Campus Queen ng Sandford Academy.
At hindi alam ni Nathalie na sa paglipat pala niya sa eskuwelahan na iyon ay malaki ang pagbabagong mangyayari sa buhay niya